Panginginig sa Tuwa at Lungkot

Sumasayaw sa tugtog ni John Mayer ang laptop na ito at sumasabay sa bawat beat at paglalagay ko ng mga salita; ito ang kantang Carry Me Away. Kanina ay nanood ako ng pelikulang pinamagatang Princess and the Frog. Muntik na niyang malampasan ang Mulan bilang paborito kong pelikula na Disney. May isa nga lang na paruparong scene na hindi umayon sa pananaw ko sa dapat na pagrespeto sa mga kababaihan. Kaya pumapangalawa pa rin ito.  



Marami akong natutunan sa pelikulang ito. Sa katunayan, mahilig ako manuod ng mga ganitong palabas dahil sa mga aral na aking napupulot habang sinusubaybayan ito. Puno ng aral tungkol sa career, pagmamahal, at mga pangarap ang movie na ito. Pinakapaborito ko ang paghihiwalay sa tema ng kailangan at ng inaasam ng isang tao. Minsan, hindi tugma ang dalawang ito at minsan makikita mong ang pinapangarap mo ay hindi mo kinakailangan bilang isang nilalang. Sa isang salita, minsan, kahit makamit mo na ang inaasam mong yaman sa anyo ng mga salapi at sandamakmak na pera, hindi ka nito pasasayahin kung walang pagmamahal sa buhay mo. Ang simple ng mensahe ng pelikula ngunit nagawa nila itong itawid ng maayos sa mga manonood. Tunay nga na dapat ko munang kilalanin ang sarili ko nang mas malalim pa ng malaman kung ano talaga ang gusto at kailangan ko.






Pero sa totoo lang, alam ko na ang gusto at kailangan ko. Gusto kong yumaman, maging doktor, maging isang researcher, magtayo ng ospital na maganda at mura para sa kababayan ko sa Victoria, gusto ko mabigyan ng magandang bahay at sasakyan sina mama at papa, at gusto ko ng jowa at mapapangasawa na hindi mangangaliwa at hindi mambabababae. Alam ko sa sarili kong insecure pa ako at kulang pa ng pagmamahal sa sarili dahil siguro alam kong may igaganda at itatalino pa ako pero ang alam ko lang ay I am already a catch and dem boys be lucky to even have me as their significant other. Yun na lang muna siguro. Pag-iigihan ko muna ang pag-aalaga sa sarili ko physically, mentally, at emotionally. Marami pa akong pangarap na nais makamit. Sa susunod uli, Tiana ng bayan. 






Comments

Popular Posts